Natural feeding

Ang Paglilipat ng ipinunlang lettuce (Transplanting lettuce)

Ang paglilipat ng punla sa styrocup mula sa seedling tray ay isinasagawa kapag ang dahon ay umaabot na sa tatlo o apat dahil sa ganitong stage humahaba na rin at sumasanga ang mga ugat. Kung ang pamamaraan ng pagpapatubo ay Kratky Method ang cocopeat sa styrocup ay dapat halos kalahati lamang upang agad na makarating ang ugat sa tubig na may nutrient solution.  Punuin ng tanim ang styrobox at hayaan doon hanggang sa lumabas ang mga ugat sa ilalim kasabay ng pag lago at pagdagdag ng mga dahon nito,  ito ang tinatawag na hardening stage.




 Sa paglipat ng punla ihanda ang 8 oz styrocup, lagyan ng daanan ang ugat o butas sa palibot ng cup sa may bandang ilalim papunta sa nakababad na bahagi sa tubig at lagyan ng cocopeat na halos kalahati sa cup.  Ang cocopeat ay dapat napakuluan o nabilad ng matagal upang mamatay ang mga organism na posibleng kakain sa maliit na puno at ugat. Maaari din ibabad ng apat na oras sa tubig na may agua oxinada o hydrogen peroxide pang disinfectant. Maglagay lamang ng kalahating cup sa kada isang galong tubig.
Siguruhing basa ang cocopeat at butasan ito upang doon ilagay ang punla.  Gumamit din ng stick o kutsara para sungkitin ang punla at iwasan na tamaan ang ugat.








Ang Pag Ani ng Lettuce (Harvesting lettuce)






Ang pag aani ng lettuce ay isinasagawa kapag malapad na at mayabong na ang mga dahon na halos 6 to 8 inches ang lapad.  Gupitin lang ang pinakapuno at balutin ng papel o ilagay sa plastic upang manatili ang pagiging sariwa nito. Mas mainam na gawin ang pag ani ng maaga.









Ang pagpunla ng buto ng lettuce (Sowing Lettuce Seed)



Sa pagpunla ng buto ng lettuce isinasagawa ito gamit ang Seedling tray, Cocopeat na pinakuluan   o ibinabad sa Hydrogen peroxide. Ang buto ay ilalagay sa kada butas ng tray na ang lalim ay doble sa laki ng buto.  Diligan ito gamit ang spray hanggang sa mababad ng husto ang buto upang agad ito mamaga at mag sprout.  Ilagay ang punla sa grow box. Takpan at ilagay sa malilim na lugar at hwag hayaan mapuntahan ng mga langgam.  Diligan araw araw upang manatiling basa ang buto.






Sa loob ng isang linggo tutubo ang ipinunla depende sa kalidad ng buto kaya mas makabubuting lagyan ng hanggang apat kada butas.  Alisin ito sa malilim na lugar at growing area o green house upang maarawan at hindi humaba ang puno o leggings.  Ang leggings sa lettuce ay nagpapakita ng kakulangan ng sunlight, ito ay tataas na may mga agwat ang dahon na payat.  Kaya dapat nakalagay sa pwesto na naarawan ng 5 hanggang 6 na oras ngunit nasisinagan din naman kapag palubog na ang araw.  Ang green house na may  UV plastic at net shade ay nakakatulong ng malaki sa pagpapatubo ng lettuce.  Inilalagay ang net shade sa oras ng kainitan upang hindi malanta ang mga dahon.

SA MGA GUSTONG MAGSIMULA SUBUKAN NATIN ANG KRATKY METHOD

Kung ikaw ay mahilig sa halaman tiyak mong kagigiliwan ang paraan ng pagpapatubo sa pamamaraang hydroponic.  Bakit? Una, Hindi ka gagamit ng...