Natural feeding

SA MGA GUSTONG MAGSIMULA SUBUKAN NATIN ANG KRATKY METHOD



Kung ikaw ay mahilig sa halaman tiyak mong kagigiliwan ang paraan ng pagpapatubo sa pamamaraang hydroponic.  Bakit? Una, Hindi ka gagamit ng lupa para patubuin ang halaman, Pangalawa, Makakatipid sa tubig.  Para sa mga gustong magsimula mas maganda na simulan sa paraan ng Kratky Method.  Sa paraan ito, ang tubig ay nakaimbak lamang sa styrobox di tulad ng nakatanim sa lupa na palagian ang pagdilig. Pangatlo, Hindi matrabaho. Sa katunayan ang Kratky Method ay tinatawag na "set and forget" kasi pagkatapos ng set up pwede mo ng iwanan na hindi ka gugugol ng maraming oras para magdamo, magdilig o kaya maglagay ng fertilizer at pamatay peste na karaniwang ginagawa sa tradisyunal na pagsasaka. Pang apat, Mas mataba at mabilis tumubo dahil nakababad sa tubig na may fertlizer na kumpleto ang nutrients,  At marami pa gaya ng mas natural dahil walang spray ng kemikal at mas mataas ang presyo sa merkado.  

SA MGA GUSTONG MAGSIMULA SUBUKAN NATIN ANG KRATKY METHOD

Kung ikaw ay mahilig sa halaman tiyak mong kagigiliwan ang paraan ng pagpapatubo sa pamamaraang hydroponic.  Bakit? Una, Hindi ka gagamit ng...