Sa pagpunla ng buto ng lettuce isinasagawa ito gamit ang Seedling tray, Cocopeat na pinakuluan o ibinabad sa Hydrogen peroxide. Ang buto ay ilalagay sa kada butas ng tray na ang lalim ay doble sa laki ng buto. Diligan ito gamit ang spray hanggang sa mababad ng husto ang buto upang agad ito mamaga at mag sprout. Ilagay ang punla sa grow box. Takpan at ilagay sa malilim na lugar at hwag hayaan mapuntahan ng mga langgam. Diligan araw araw upang manatiling basa ang buto.
Sa loob ng isang linggo tutubo ang ipinunla depende sa kalidad ng buto kaya mas makabubuting lagyan ng hanggang apat kada butas. Alisin ito sa malilim na lugar at growing area o green house upang maarawan at hindi humaba ang puno o leggings. Ang leggings sa lettuce ay nagpapakita ng kakulangan ng sunlight, ito ay tataas na may mga agwat ang dahon na payat. Kaya dapat nakalagay sa pwesto na naarawan ng 5 hanggang 6 na oras ngunit nasisinagan din naman kapag palubog na ang araw. Ang green house na may UV plastic at net shade ay nakakatulong ng malaki sa pagpapatubo ng lettuce. Inilalagay ang net shade sa oras ng kainitan upang hindi malanta ang mga dahon.

